1. Hindi po ba masama ang mag release ng sperm araw-araw hindi kaya ako magkaanak pag dating ng araw?
A: Ang pag-gawa ng semilya sa katawan ng isang lalaki at tuloy-tuloy, at walang ebidensya na ang araw-araw na pagpapalabas nito ay maaaring maka-apekto sa abilidad na magkaroon ng anak pagdating ng araw.
2. Paano po ba maging malapot semilya ko, kasi minsan malabnaw po?
A: Ang pagiging malapot o malabaw ng semilya ng lalaki ay naka-depende sa ilang bagay. Halimbawa, kung kulang ka sa tubig, maaaring maging malapot ang tamod mo. Ang pagkakaroon ng impeksyon sa prostata (o prostate gland) at pag-inom ng ilang uri ng gamot ay posible ring magpalapot ng semilya. Kung walang problema sa pag-inom at napadalas ang pagpapalabas ng tamod, maaari naman itong maging malabnaw. Nagbabago ang lapot o labnaw ng semilya depende sa mga bagay na ito at karaniwa’y hindi ito dapat ikabahala.
Dagdag pa, ang semilya ng lalaki at sadyang malabnaw sa unang 5 minuto pagkatapos itong ipalabas; at nagiging malabnaw na pagkatapos. Ito’y normal rin.
3. Anong gamot sa malabnaw na tamod o semilya?
Gaya ng nabanggit sa pangalwang tanong, ang pagiging malabnaw ng tamod ay kadalasang normal lamang; ito’y indikasyon na normal ang antas ng tubig (hydration) sa iyong katawan. Isa pa, ang masyadong madalas na pagjajakol o pakikipag-sex ay pwedeng maging sanhi ng pagiging malabnaw masyado ng iyoong semilya. Ito ay dahil hindi nabibigyan ng sapat na oras ang iyong katawan na mabuo ang semilya na may tamang lapot. Tandaan rin na normal lang na nagiiba ang lapot o labnaw ng semilya at kalimitan wala naman itong masamang kahulugan sa iyong kalusugan.
4. Anong gamot sa masyadong malapot na tamod o semilya?
Ang pagiging masyadong malapot na iyong semilya ang pwedeng senyales ng kakulangan ng tubig sa iyong katawan, o dehydration. Masyado bang dilaw ang kulay ng iyong ihi? Ito’y dagdag pang sintomas ng dehydration. Ang gamot lamang ay uminom ng maraming tubig araw-araw. Ang mga impeksyon sa pantog at lagusan ng ihi – o UTI – at ang pag-inom ng ilang mga gamot ay pwede ring magpalapot ng tamod. Magpakonsulta sa iyong doktor upang matukoy ang ano ang sanhi nito. Muli, tandaan na normal lang na nagiiba ang lapot o labnaw ng semilya at kalimitan wala naman itong masamang kahulugan sa iyong kalusugan.
5. Gaanong karami ang lumalabas na semilya sa bawat pagpapalabas?
A: Ang normal na lumalabas na semilya ay mula 2 hanggang 5 mL, o kalhati hanggang isang kutsarita. Subalit, maaari itong magbago. Kapag sobrang dalas ng pagjajakol o pakikipag-sex, maaari itong maging mas maunti; at kung natagalan naman na hindi nakapag-palabas, pwede itong maging mas marami.
6. Ilang taon ang isang lalaki bago magkaron ng semilya?
A: Depende. Ang pagkakaroon ng semilya ay bahagi ng paglaki ng isang lalaki, at maaaring maganap sa edad 10 hanggang 13. Maaaring mauna ang pagkakaron ng semilya sa pagkakaron ng mga ‘sperm cells’ sa semilya na maaaring makabuntis. Karaniwan, at abilidad na makabuntis ay nag-uumpisa sa edad 13 hanggang 16.
7. Saan gawa ang sperm o semilya ng lalaki?
A: Ang tamod o semilya ng lalaki ay ginagawa sa iba’t ibang bahagi na natatagpuan sa itlog ng lalaki o nakapalibot sa lagusan ng semilya. Ito’y binubuo ng ‘sperm cells’, na siyang nakikipagbuklod sa ‘egg cell’ ng babae upang maging isang ‘zygote’, na siya namang magiging baby; at ng likido na binubuo naman ng fructose (isang klase ng asukal) at iba’t ibang bitamina at protina.
8: Magkakaroon ba ng pagbabago sa semilya kung nagpatali ang lalaki o sumailalim sa ‘vasectomy’?
A: Wala kang mahahalatang pagbabago, sapagkat maliit na porsyento lamang ng semilya ang binubuo ng sperm cells na siyang hindi na dadaloy sa lagusan kung magpa-vasectomy ka. Ganoon parin ang magiging lapot at kulay ng likido na lalabas.
9. Bakit nagbabago ang tamod ko, minsan madami minsan kakaunti, minsan malabnaw minsan malapot?
A: Ganon talaga. Ang tamod o semilya ng lalaki ay naapektuhan ng maraming bagay gaya ng dami at uri ng pagkain o inumin sa nakaraang ilang araw. Isa pa, kung jakol ka ng jakol o madalas kang makipag-sex pwede rin nitong maapektuhan ang dami o lapot ng iyong semilya. Ngunit, nagbabago man ito, kadalasan ay normal lamang ang mga ganitong pagkakaiba, at hindi dapat ikabahala.
10. Baog ba ang isang lalaki kapag malabnaw ang kanyang tamod?
A: Ang pagiging ‘malabnaw’ ng tamod ng isang lalaki ay hindi indikasyon ng pagiging baog o kakayanang makabuntis ng babae. Gaya ng nabanggit ko sa naunang mga kasagutan, ang lapot o labnaw ng semilya ay nagbabago at hindi dapat pagtuunan masyado ng pansin.
11. Dapat ba akong mag-alala kung may dugo sa tamod ko?
A: Ang paksang ‘dugo sa tamod’ o ‘hematospermia’ ay tinalakay sa artikulong “Dugo sa tamod o hematospermia: Mga tanong” sa Kalusugan.PH. Basahin ito.
12. Bakit po ba nagiging buo or parang sago-sago na ang tamod ng isang lalaki? Dahil po ba sa hindi pakikipagtalik sa isang babae?
A: Ang semilya ng lalaki ay nagbabago – minsan malapot, minsan malabnaw – at kalimitan, ito’y hindi dahilan upang mabahala. Subalit kung ito’y nagiging dahilan ng pag-aalala sa iyo, mas maganda kung magpatingin ka sa isang urologist upang masuri ang iyong kondisyon. Maaaring makita sa semen analaysis kung may problema ba sa iyong tamod.
Tungkol naman sa panghuli mong tanong tungkol sa pakikipagtalik, ang masasabi ko lang ay nagiging mas malapot ang semilya kung mas matagal kang hindi nakapag-ejaculate o nakapagpalabas ng tamod.
13. Anong vitamens ang pamparami ng tamod? Konti lang po kasi lumalabas 3yrs na ako ako kasal d mabuntis buntis ang mrs. ko plz naman ako sa problema ko kahit vitamins lng para sa tamod ko
A: Walang vitamins na para talaga sa tamod. Kung sobrang onti talaga ng tamod na lumalabas sa iyo, mas maganda kung magpatingin ka sa urologist o ibang doktor at magsagawa ng tinatawag na semen analysis kung saan susuriin ang iyong semilya at titingnan kung ano ang posibleng problema. Basahin ang artikulong “Paano malaman kung baog ang isang lalaki” sa Kalusugan.PH para sa karagdagang impormasyon.
13. masama po bang lunukin ang tamod o semilya ng lalaki?
A: Ang tamod o semilya mismo ang hindi nakakasama kung ito ay malunok. Subalit maaari tong magtaglay ng mga sexually-transmitted diseases (STD) o mga sakit na nakukuha sa pakikipagsex kaya maging maingat parin.